Pangangailangan
Ang pag-i-install ng Mandrake Linux ay, karamihan ng pagkakataon, kasing simple lamang ng paglalagay ng iyong CD na Pang-install sa iyong CDROM drive, at pag-re-restart ng iyong machine. Pakisangguni na lamang ang point 1.
PUNA:
Sa ibaba ay nakalista ang iba't-ibang paraan ng pag-i-install ng Mandrake Linux:
Ang CDROM na pang-install ay bootable. Sa karamihan ng pagkakataon, ilagay lamang ang CD sa drive at i-reboot ang machine. Sundan ang instruksiyon na nakasaad sa screen: pindutin ang [Enter] key para simulan ang pag-i-install, o pindutin ang [F1] para sa karagdagang tulong.
PUNA:
Sa mga portable na computer, ang system ay maaaring hindi mag-reboot mula sa CD. Kung ito ang kaso, subukang mag-boot sa pangalawang CD: ito rin ay bootable, at gumagamit ng "safer" boot process. Kung sinabihan, palitan ang CD. Kung ang pangalawang CD ay hindi rin mag-boot, kailangan mong maghanda ng boot floppy. Tingnan ang point 2 para sa detalye.
Kung ang iyong computer ay hindi makapag-boot mula sa CDROM, kailangan mong gumawa ng boot floppy sa loob ng Windows gaya ng mga sumusunod:
Para simulan ang pag-i-install:
Kung sa anumang rason ay ang mga nabanggit na mga paraan ay hindi bumabagay sa iyong pangangailangan (gusto mong mag-network install, pag-install mula sa mga kagamitang pcmcia o ...), kailangan mo ring gumawa ng boot floppy:
Narito ang listahan ng mga boot images:
cdrom.img | pag-install mula sa CD-ROM |
hd.img | pag-install mula sa hard-disk (mula sa Linux, Windows, o ReiserFS na filesystem) |
network.img | pag-install mula sa ftp/nfs/http |
pcmcia.img | pag-install mula sa mga kagamitang pcmcia (babala, karamihan ng mga pcmcia network adapter ay ngayon na'y tuwiran ng suportado mula sa network.img) |
hdcdrom_usb.img | pag-install mula sa hard-disk o cdrom na konektado sa USB |
network_gigabit_usb.img | pag-install mula sa network na may gigabit o USB adapter |
blank.img | pag-install gamit ang iyong sariling Linux kernel |
Para gamitin ang blank.img, magbuo muna ng iyong sariling custom Linux kernel, binubuo ng lahat ng kinakailangang suporta sa loob ng kernel image (hindi bilang module). Ngayon, pagkatapos ng paggawa ng floppy mula sa blank.img, kopyahin ang iyong "vmlinuz" kernel image papunta sa floppy.
Maaari ka ring gumamit ng text mode na pag-i-install kung, sa anumang rason, mayroon kang naging problema gamit ang default na graphical na pag-i-install. Para gamitin ito, pindutin ang [F1] sa may Mandrake Linux welcome screen, tapos ay i-type ang text sa may prompt.
Kung kailangan mong i-rescue ang iyong ginagamit na Mandrake Linux system, ipasok ang iyong Pang-install na CDROM (o anumang tugmang boot floppy), pindutin ang [F1] sa may Mandrake Linux welcome screen, tapos ay i-type ang rescue sa may prompt.
Tingnan ang http://www.linux-mandrake.com/drakx/README para sa mas karagdagang mga teknikal na impormasyon.
Mahalagang puna:
Ang "root" account ay magbibigay sa iyo ng walang limitasyong access sa iyong Linux system. Huwag itong gamitin maliban sa pagaayos o pangangasiwa ng Linux. Para sa araw-araw na gamit, gamitin ang normal na user account na maaari mong ayusin gamit ang "userdrake" tool, o gamit ang mga command na "adduser" at "passwd".
Para sa karagdagang suporta, tingnan ang mga sumusunod: